Paano ko mapagyayaman ang wikang Filipino?

Princess Nicole L. Sosa              G11 STEM-A     

          Paano nga ba natin mapapayaman ang wikang Filipino? Ano ano ang mga maaaring hakbang upang mapagyabong pa ito?

          Sa post na ito, ipapaliwanag ko ang mga bagay na maaari nating gawin upang mapangalagaan natin ang ating wikang pambansa, ang Filipino. Ito ay ang mga hakbang na nakikita kong makakatulong na maaari niyo ring gawin.

         Ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa.  Maraming wika ang ginagamit natin dito sa ating bansa depende sa grupo o lugar na pinagkulan. Isa lamang itong pahiwatig na ang kultura ng ating bansa ay talaga namang mayaman.  Dahil sa pagiging multilinggwal natin, marahil ay hindi na napapansin ang ating wikang pambansa, ang Filipino. Madalas na napagkakamalang Tagalog ang ating wikang pambansa, ngunit ito ay mali.

          Maraming mga wika ang nalaganap sa ating bayan. Halimbawa na rito ay ang mga wikang banyaga tulad ng korean. Maraming kabataan ang nahuhumaling na mag-aral ng wikang ito upang maunawaan nila ang kanilang mga iniidolong koryano. Ngunit maaari itong mag-sanhi ng pagkalimot sa ating wika.  Marami ring wika ang nauuso dahil sa mga kabataan na patuloy na sumusubok ng mga makabagong bagay.  Isa na dito ang paggamit nila ng mga wikang sila lamang ang nakakaunawa at ito ay maaari ring maging salik ng pagkalimot sa ating wika. Napakaraming bagay ang maaaring makaapekto sa buhay o sa itatagal ng ating wikang pambansa. At marami rin tayong magagawa upang mapigilan ito.

          Wala namang napigil sa atin na mag-aral ng ibang wika, ng mga banyagang wika. Ngunit dapat nating isaisip ang priyoridad natin ay ang mapagyaman ang sarili nating wika at huwag natin hayaang mamatay ito. (1) Ang pagtuturo sa mga batang bago pa lamang nagsasalita ng wikang sinasalita sa kanilang lugar ay mahalaga. Imbes na ingles o kahit anong wikang banyaga ang ituro ay mas maige kung ang wikang sariling atin ang ituro lalo na kung wala namang dugong banyaga ang bata.  Mas maige kung magagabayan ang bata habang natanda na bagama't natututo ng wikang ingles ay hindi parin nakakalimutan ang wikang kinagisnan. Sa pamamagitan nito, naisasalin ang wika at mapipigilan o mapapabagal ang pagkamatay nito. (2) Ang pagtangkilik ng sarili nating mga akda o musikang pilipino ay makakatulong rin. Lalo na ang mga awitin at akdang nakasulat sa wikang Filipino. Sa pamamagitan nito, mapapalaganap natin ang wikang Filipino dahil ito ay mapapakinggan rin ng ibang tao. Ang pagbabasa ng mga pangbatang storya sa mga bata ay makakatulong rin sa pagpapayaman ng ating wika. Ang wika ay naisasalin, at dahil sa patuloy na pagslin nito ay may mga konseptong naiiba o nawawala. Ngunit malalaman lamang natin na naunlad ang isang wika kung nagkakaroon pa ito ng mga karagdagang barayti habang nagapang ang panahon. 

          Palagi nating tatandaan na kakabit ng wika ang ating kultura. Habang naunlad ang wika ay siya ring pag-unlad ng ating kultura na siyang lalaganap o makikilala sa buong daigdig. Mahalin natin ang ating wika, mahalin natin ang sariling atin, tangkilikin natin ang atin at siyang palaganapin at ipakilala sa buong daigdig.

         

Comments

Popular posts from this blog

COVID19 OUTBREAK